Tuesday, October 18, 2011

INA KO

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit,

binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa

aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga

alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag

lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila

ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila

taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang

namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako. Sa tatlong beses akong

nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko

ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi

akong makalimutan yung mga sadistang Hapon. Kase, ibang-iba ang hagod

niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya

ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang

mga naging anak ko. Parating ang dami naming regalo - may chocolates,

yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya

lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan

mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa

tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga

lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa

buhay namin. Sosyal na sosyal kami. Ewan ko nga ba, akala ko

napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin,

yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason

na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming

nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga

anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na

kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na

lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para

ibayad sa mga inutang namin. Sinikap naming lahat maging maganda ang

buhay namin. Ayun, mga nasa

Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe.

'Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya

daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin,

siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman

na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating

ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap

dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap. Ang di ko inaakala ay

mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin

na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa

mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga.

Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta

at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa. Wala na akong nagawa

dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman

kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta

maginhawa lang ang mga anak ko. Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko.

May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang

magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga

ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano

na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako

balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante

kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga

anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila. Sa tuwing

titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang

bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha

ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang

mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko,

namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin.

Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang

nararamdaman para sa akin. Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may

malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako

kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto

magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero

walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin.

Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng

buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala

sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko.

Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating.

Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga

anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako.

Gusto kong isigaw:

"INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha,

pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.

Wednesday, August 24, 2011

:)

kung para sa iyo ang salitang "TANGINA MO... at Gago ka!!!" pagbubulalas lng ng pananaw at hindi pang iinsulto sa kapwa ay talagang walang makakaintindi sa iyo sa mundong ito.. maghanap ka ng mundo na kung saan pinupuri at kinatutuwaan ang mga taong nagsasalita ng pananalita mo.. mas gugustuhin ko nang gumawa ng sarili kong mundo na si ELY BUENDIA ...

Sunday, August 14, 2011




mga matang mapang-akit
namumutawi sa labi ang "ika'y lumapit"
atensyon mo'y sa akin naibaling
ngayon ikaw ay naging akin

:D

Wednesday, November 10, 2010

A Chat with Juan Ekis (2)

feeling first time mka-chat si Juan at nagkwento... =DD

[You]
8:02am
sir.... thank you sa mga kwento mo.. sarap magbasa.. at nkaka-inspire magsulat

[Juan Ekis]
8:02am
hahaha san mo nabasa?

[You]
8:02am
sa mga blogsite mo sir sa tumblr at blogspot ata yun....

[Juan Ekis]
8:03am
heheh
tnx tnx
glad to be of service

[You]
8:03am
congrats po.. rami po kaung mambabasa d2 sa visayas
=)=)

[Juan Ekis]
8:03am
uy salamats'

[You]
8:03am
marami kaming ngandahan sa virtual
xDD

[Juan Ekis]
8:04am
hahaha

[You]
8:04am
totoo ba yung kwentong yun???

[Juan Ekis]
8:04am
mala-mala
haha

[You]
8:04am
ahaha... astig nyo sir...
keep on rocking
\m/

[Juan Ekis]
8:05am
tnx tnx

[You]
8:05am
cge sir.. bka busy kau... =)=)..

dami nyo p atang dapat tapusin na scripts... =)=)
at research..

[Juan Ekis]
8:06am
ayt hahaha samats ulit

[You]
8:06am
pakiss ulit sir.. xDD

this is the 2nd tym na ka-chat kita.. =D=D

[Juan Ekis]
8:07am
yoko baka ipost mo ulit eh
hahaha

[You]
8:08am
ah??? nkta mo po??? xDDD
hahaha

[Juan Ekis]
8:08am
haha

[You]
8:08am
panu?? haha

[Juan Ekis]
8:08am
di ko na maalala. lumabas sa google search
ggagaga
hahahaa

[You]
8:08am
dpat title nun "a kiss from JUAN EKIS".. xDD
ahaha.. astig!!! xDD

[Juan Ekis]
8:09am
hahaha

[You]
8:09am
prang nobela... =D=D
cge sir... =)=)
bc n po kau ata?

[Juan Ekis]
8:09am
nag-eedit ng pelikula hahahaha

[You]
8:10am
sumulat pa po kau ng mga realidad sa buhay at mga nkakatuwang pangyayari... =D=D

[Juan Ekis]
8:10am
i will

[You]
8:10am
cge sir.. at ng matapos na po yung pag-edit nyo... xDD

[Juan Ekis]
8:10am
ayt :):)

[You]
8:11am
bye2 sir
=)=)

[Juan Ekis]
8:13am
bye

Monday, March 1, 2010

A Kiss from Juan Ekis (1)

Juan Ekis is online.

Kenorot

sir.. ganda ng virtual mo... astig.. haha.. nangyari sken yun... kanya nga lang.. ako si lloyd... haha

rply nmn jan sir.

4:16pmJuan

haha

ayus pala eh. salamat

naman

4:17pmKenorot

kala ko kasi dati love story kasi sabi nyo.. hahaha...

4:17pmJuan

Hehe

4:17pmKenorot

gawa kpa sir.. sarap basahin mga gawa mo..

4:17pmJuan

hehe mejo hectic eh

4:18pmKenorot

yung 20 questions.. nagustuhan ng biology teacher ko

4:18pmJuan

marami naman jan sa blog ko

haha

nabasa mo na ba lahat? Hhahahah

4:18pmKenorot

20 questions, virtual at mga tips mo lang ang nabasa ko

4:18pmJuan

punta ka lang sa blog ko. juanekis.blogspot.com saka juanekis.tumblr.com. meron din sa juanekis.multiply.com

4:19pmKenorot

ok nba sir yung bahay mo ngaun??

dba sabi mo binaha ka??

4:19pmJuan

oo medyo ok na naman

san ka nagaaral?

4:19pmKenorot

sana nag-fund raising k pra magwa mo ulit bahay mo.. hahaha

sa college of fisheries... poor lang kmi sir...

mamataynako.blogspot.com

yan po link ng blogsite ko... basahin mo nmn sir,.. enge ako ng comment

4:20pmJuan

hehehe san yun?

sige sige...

4:20pmKenorot

sa samar sir..

hehe

layo ko sa kabihasnan

4:20pmJuan

uy, ayus ah. Astig

4:21pmKenorot

bkit?? dahil me fans kna sa visayas?? Hehe

4:21pmJuan

Hahaha

4:21pmKenorot

sir.. di ba ako nkaka-abala sau?? dami kpa ata gngwa??

4:22pmJuan

haha ok lang. gumagawa ako paper para sa asian lit. Hehe

4:22pmKenorot

sir... gumagwa din po ako ng story.. sana mabasa nyo??? pa-add ako sa YM mo po

4:22pmJuan

nagreresearch sa internet

add moko sa ym: juanekis.

4:22pmKenorot

pra san yung asian lit?

4:22pmJuan

wala ako ym now kasi university internet itp

4:23pmKenorot

juanekis lang?

4:23pmJuan

Yup

4:23pmKenorot

christian valles po ba yung name nyo?

4:23pmJuan

nagmamasters ako ng humanities eh

christian vallez

4:23pmKenorot

ahh... z pla

hehehe

4:23pmJuan

Ayuz

4:23pmKenorot

sana sir mag topnotch ka.. hahaha

4:24pmJuan

sana nga hahaha.

4:24pmKenorot

ako marine biology sir.. hahaha... pang greenpeace ako

penge ako ng autograph.. sa summer.. hahaha

4:24pmJuan

hahaha oo ba

4:24pmKenorot

libre kita sa starbucks.. hahaha

sana me aklat kna sir.. hahaha.. pra pagpa-autograph ko sa book na

4:25pmJuan

sana nga eh. wala pang publisher na nagkakamali. Hahaha

4:26pmKenorot

ahahaha.. sa visprint??? ahaha... o di kya sa pcsiom at yun?

sir... direktor po kau/?

4:27pmJuan

yup

ng mga play

saka assistant director sa pelikula

4:27pmKenorot

ahm... yung gnwa nyong kay nic joaquin ata??? galing nun

si marilou diaz-abaya?

4:43pmJuan

Yup

4:43pmKenorot

uhm... kala ko sir offline kn tlga.. hehehe

4:43pmJuan

hey sorry i gotta go. catch u next time pre. kelangan ko na magsubmit ng papers. hehehe

nice chatting

4:43pmKenorot

hnintay kasi kta.. first time kta mka-chat...

4:44pmJuan

nagloloko ata net dito sa office

4:44pmKenorot

cge sir.. konting palaki ko lang ng atay yun sa idol ko

4:44pmJuan

Hehe

4:44pmKenorot

hehehe

sa sunod sir...

basahin ko yung iba

bye2 idol

sir juan ekis.. pakiss.. ahahaha

4:44pmJuan

oks kitakits

4:45pmKenorot

yung kiss ko?? Ahahaha

4:45pmJuan

:*:*

Haha

4:45pmKenorot

ahahaha... cge sir..

Juan is offline.

Sunday, February 7, 2010

Paglisan

Paglisan
~Adelia Aliwalas~

I
“Kuya Chico nawawala cellphone ko!”

sa pagtagal ng panahon
may mga bagay-bagay tayong mapagtatanto
na ang tanging permanente ay pagbabago
aasahan natin ang mga pagbabago ay
maaaring positibo at negatibong pagbabago.

ang pagkawala ng taong importante sa atin ay
maihahalintulad natin sa isang cellphone.
Kung isa kang dukha maaaring alam mo ang pakiramdam na ganito.
Sa mga taong maalwan, marahil ang sentimyento ng bagay na nawala ang kanilang inaalala. Sa pagkawala nito, iniisip mong andyan lang siya at di mo lang makita. Kasi aakalain nating di natin sinasadyang mabitawan o mailagay sa tamang lugar. Ngunit kung di mo na ito mahanap, mararamdaman mong malungkot at di mo kayang wala ito. Kasi dito ka masaya. Siya lang ang bagay na nagbibigay at walang hinihintay na kapalit. Kung kaya dapat ay iningatan mo siya na di makuha ng iba kasi kung wala na siya at wala ka na ring mahanap na katulad niya. Masasabi mo nalang na:

“wag kang masanay sa mga bagay na hindi mo naman kailangan ko sa iyong buhay”

-B.O

magbabago ang pananaw mo sa mga taong ayaw mo ng pagkatiwalaan.








II
“Nang-harvat ka na namang Bakla ka!”

Sa isang private room sa ospital ng Makati.

Lolo Macoy: sa pagtanda mo apo, maiintindihan mo ang sinasabi
ko.

Bogart: ano ho ‘lo? (nagbabalat ng mangga)

Lolo Macoy: magbasa ka ng pocketbooks malalaman mo. (tatawa)

Bogart: lolo naman eh, niloloko nyo ‘ko eh. (iiling)

Lolo Macoy: Sa mga taong makitid ang utak at limitado ang
pag-iisip sa mga mata nila masama ang pagiging bakla, sa tingin nila isa yung malalang sakit na nakakahawa.

Bogart: (sniffs) masakit man ‘lo, tinatanggap ko ang kanilang mga kritisismo sa atin. Masakit man wala akong magagawa. Biniyayaan sila ng Diyos na mag-isip kaya lang ‘di nila ito nagagamit sa tama.

Lolo Macoy: kung tatanungin ang mga taong sinasabi mo kung bakit ka ganyan? Syempre isasagot nilang may deperensya ka, kasi sa ilusyon mong babae ka. Kung tinanong mo naman ang mga ito kung alam nila ang pakiramdam na babae kang tunay, natural isasagot nilang hindi. E, Sila ang mga tanga! Hindi pala nila alam ang pakiramdam na maging isang tunay na babae. Hinuhusgahan ka nila ngunit di nila alam ang pakiramdam ng inaapi at sinasaktan sa aspeto ng pag-iisip at pagdaramdam. Kanya-kanyang trip to. Kaya walang pakialaman.

Bogart: Lolo talaga, may trip2x pang nalalaman. Pero tama ka ‘lo. Kagaya ko lang ang dahon na nahuhulog sa sa sanga ng puno. Marami ang nakakakita nito ngunit kaunti lang ang nakakaintindi kung bakit nahuhulog. Kung sino ang napagod. Kung sanga nga ba ang napagod sa kahahawak sa dahon o yung dahon mismo ang humiwalay dahil sa nagsawa na ito sa ka-uugoy nito sa sanga kaya ayaw na nito manatili sa kanyang kinaroroonan.


To be continued>>>

mahal kasi kita

Dear Julio Angelito De la Vega,
nareceive ko yung email mo sken... actually di ako "LOVE GURU" or Expert pero may mga bagay-bagay din akong magagamit mo sa iyong panliligaw kay Kathleen... sabi mo nga... 2nd class syang tipo ng chick... pagkakaalam ko.. ang 1st class chicks gaya nina Angel locsin, Cristine Reyes pti yung CRUSH kong si Lyka Alba.... (actually mahal ko na.. nkakatakot nga lang.. bka di nya ako masalo... kasi nga 1st class... walang pag-asa mukha ko... kung kamukha mo ako.. pakamatay kna...)
ito ang mga istilo sa panliligaw>>>
1.) sabi mo nagpapapansin ka sa kanya tuwing NSTP subject nyo at umaakyat ka sa puno para mapansin ka.... please lang... itigil mo yan... kung nkikita lang kita... ako na mismo ang mahihiya para sayo... nagmumukha kang unggoy...
2.) pag naglalakad kam pasimple ka lang.. at biglang mag-iwan ng palaisipan sa kanyang utak...
" mahal kita, bagay tayong dalawa. pero pagod na ako, maghapon kang tumatakbo sa isip ko"
3.) haranahin mo sya, kya lang kailangan mong kuntsabahin ang tatay nya, sa hirap ng buhay ngayon walang taong tatanggi sa pera, bigyan mo ng 500 ok n yan. pra hindi ka mahabol ng itak.
tapos kantahin ang "Close to you by Carpenters"
4.) pero kung mahirap talaga o kaya ayaw nyang maniwala sayong seryoso ka ito gawin mo. tiyak pasado!
***magtatag ng isang grupong naaayon ang lahat sa batas mo at tawagin itong "MAHAL KITA partylist"... itaas ang bandera at magrally sa gitna ng PLAZA sabay sigaw ng " MAHAL KITA WAG KANG TANGA!!!"
5.) at sa huli.. kung may problema ka sa mukha mo.. kung may mga pimples man... ito ang mga tips
*kumuha ng petrolyo at ibuhos sa mukha at silaban gamit ang posporo
*ipahid sa mukha ang unang pinagreglahan (me regla kba angelito?)
*wag kumain ng mani (para di dumami)
*at panghuling tips... ihampas sa pader ang ulo kasi wala namang utak yan... wala knang pag-asa!!!
***nabanggit mong nagseselos ka kapag may kasama syang iba.. Normal ang selos kung may dapat pag selosan!!!***